Miyerkules, Enero 25, 2012

Unang Araw

Ano ba ang pinakamabisang paraan para makalimot sa masalimoot na karanasan? marami kasing mga tanong na minsan alam na natin ang sagot pero hinahanap parin natin iyong mga sagot na bago sa ating mga pandining, naghahanap ng bagong matutunan, kanino ba natin malalaman iyan? dba sa mga naka-experience ng maraming pagsubok? sa isang katulad ko, marami din ako pinagdaanan at malamang ang mga nakakabasa neto ay ganun din kayo, lahat naman ng tao nakakaranas ng kabiguan, kaya hindi natin pwede ipamukha ang mga bagay bagay na pinagdaanan natin para lang kaawaan o hingan ng atensiyon mo o dapat maintindihan ka,  siguro ang tamang term is "magbahagi ng karanasan" hindi "magpamukha ng mga naranasan" kasi ang "magbahagi" ay ginagamit sa salitang gusto mo may matutunan sayo ang mga tao malalapit sayo kung paano mo ito nalagpasan, at ang "magpamukha" ito iyong term na ginagamit sa mga gusto humingi ng awa o atensyon o para masabi na may masmahirap pa ang naranasan niya kesa sayo. bakit ko ba nasasabi ang mga bagay na ito? dahil marami sa atin ang akala niya siya na ang may pinakamalaking problema sa mundo parang ang tingin niya sa sarili wala ng pag-asang sumaya....kung nakakatakot mabigo mas nakakatakot ang walang na gagawa na minsan hindi nagbakasakali...